KORONADAL CITY – Nagtitipon ngayon ang libu-libong pamilyang Muslim sa South Cotabato kasabay ng patuloy na selebrasyon ng Eid’l Adha o “Feast of Sacrifice.”
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni South Cotabato Muslim Affairs chief Sultan Mutalib Sambuto, na maliban sa pagsasagawa ng “Sambayang” o panalangin, binibigyang halaga din ang paglaan ng panahon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Dito ilan sa mga Muslim na sa halip magsagawa ng malaking selebrasyon ay inilaan ang pera para sa pagbili ng pangangailangan ng mga mahihirap at may sakit.
Sa kabilang dako, engrandeng selebrasyon din ang naghihintay sa ilang mga South Cotabateños na Muslim na pumunta sa Saudi Arabia upang makibahagi sa Hajj Pilgrimage.
Ito ay kung saan sa oras na matagumpay silang makahalik sa Kaaba na itinuturing na most sacred site sa Islam ay ituturing na silang mga Haji.
Napag-alaman na ang pagpunta sa Mecca ang isa sa mga five pillars of Islam.