-- Advertisements --

Nakatakdang magbigay ng libreng rubber shoes ang Muntinlupa LGU sa mga public school students nito simula sa susunod na school year sa Hulyo. 

Inanunsiyo ni Mayor Ruffy Biazon na ang rubber shoes ay dagdag sa programa ng kanilang siyudad na Balik Eskwela Package na sinimulan noong nakaraang taon. Siniguro niya rin na top-grade, durable, at magtatagal daw ang rubber shoes na ipamimigay nila.

Kabilang sa mga ipinamigay noon sa mga public kindergarten hanggang grade 12 students ay school bags at school supplies.

Binigyang-diin ni Mayor Biazon na lahat ng ipamimigay nila ay high quality dahil gusto umano nilang ganado ang mga bata ng Muntinlupa na mag-aral.