Sa mga senior citizens o mga indibidwal na pasok sa A2 priority group lamang gagamitin ng Muntinlupa City government ang natanggap nilang single dose Janssen COVID-19 vaccine mula sa national government.
Ayon sa Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) team, ang mga senior citzens na nakapagparehistro sa MunCoVac na hindi pa nababakunahan ang siyang prayoridad nila sa COVID-19 vaccines na gawa ng Johnson & Johnson.
Sa ngayon kasi, limitado pa ang supply ng naturang bakuna kaya ang nais nilang unang mabakunahan ng mga ito ay ang mga sector na talagang prone sa COVID-19.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay dumating sa Pilipinas ang 3.2 million doses ng Janssen vaccines, na pawang bigay ng US government sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Abril 19 nang bigyan ng Food and Drugs Administration (FDA) sa bansa ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Janssen.
Gayunman, hanggang kahapon, Hulyo 20, nabatid na 257,633 vaccine doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng Muntinlupa City government.