-- Advertisements --

Itinanggi ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang lumabas na balitang pumanaw na ang ama nitong dating senador Rodolfo “Pong” Biazon.

Sa kaniyang social media ay nagpost ang alkalde ng larawan habang ito ay nasa pagamutan katabi ang ama.

Mula pa kasi noong Mayo ay nasa pagamutan ang ama dahi sa pneumonia.

Humiling na lamang ng pagdarasal ang dating opisyal para sa agarang paggaling ng ama.