CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng blood sampling ang LGU-Kabacan Municipal Agriculture Office sa mga alagang baboy sa Brgy Bangilan at Brgy Bannawag Kabacan North Cotabato.
Ayon sa tanggapan, ito ay isang paraan para mabantayan ang pagpasok ng African Swine Fever sa bayan.
Matatandaang nagpapatuloy pa rin ang banta ng ASF na kung saan nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. na wala pang kaso ng ASF sa bayan at patuloy parin ang tanggapan sa pagpapatupad ng mga ipinapairal na protocol tulad na lamang ng pagbabawal sa pagpapapasok ng mga processed pork meat products at live hogs.
Hinikayat din ng alkalde ang mga magbababoy sa bayan na huwag tanggihan ang blood sampling dahil paraan ito upang mas mabantayan ang bayan.
Siniguro din ni Mayor Herlo Guzman Jr na hindi ito ang unang pagkuha ng blood sample.