Ang panukalang alisin ang tatlong taong nakatakdang termino para sa ilan sa mga pangunahing opisyal ng Armed Forces of the Philippines ay makakaapekto sa three-star generals, sinabi ng tagapagsalita ng AFP nitong Martes.
Inihayag ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces, na ang House Bill 6482 na inakda ni House Speaker Martin Romualdez kasama sina Representatives Raul Tupas, Mercedes Alvarez, Divina Grace Yu at Jorge Bustos ay ginawa pagkatapos ng konsultasyon sa mga opisyal ng militar.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11709 noong April 13 na nagtatakda ng three year fixed term tour of duty para sa Armed Forces of the Philippines chief of staff, vice chief of staff, deputy chief of staff, major service commanders, at inspector general maliban na lang kung maagapan ito ng ating Pangulo.
Dagdag pa ni Aguilar, ang tatlong taong tour of duty mula sa chief of staff ay hindi naman umano masyadong mahaba.
Una rito, iginiit pa ni Aguilar na ang pagbabago sa mga nakapirming termino para sa ilang opisyal ng militar ay depende sa sitwasyon at pangangailangan ng organisasyon.