ILOILO CITY – Magsasagawa ng multi-faith memorial ang personnel support workers para sa Ilongga health care worker na namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Canada.
Ang Ilongga health care worker na binawian ng buhay ay si Christine Mandegarian ng Barotac Nuevo, Iloilo at nagtatarabaho sa Altamont Care Community.
Ayon kay Bombo International Correspondent Nowell Relatos, Abril 21 isasagawa ang multi-faith memorial na binansagang “Life of the party” para kay Mandegarian.
Ayon kay Relatos, dalawang Filipino health care workers na ang binawi-an ng buhay dahil sa COVID-19 sa Canada.
Mismo ang asawa ni Mandegarian ang nagsapubliko ng detalye tungkol sa kanyang asawa upang mapagtuunan ng pansin ng gobyerno ng Canada ang health care workers na nagtatrabaho sa long term care facility na hindi lubos na protektado kung ihahambing sa mga nagtatarabaho sa hospital.
Sa ngayon, umaabot na sa 106 na long term care facility sa Canada ang apektado ng outbreak.