-- Advertisements --
MMDA MOTOR

Pagmumultahin na ng ₱1,000 ang mga motorsiklo na mahuling gumagamit ng bike lane sa kahabaan ng EDSA simula ngayong araw ng Lunes, Agosto 21 ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pagbabalewala kasi aniya sa traffic sign ang nasabing paglabag.

Ayon pa sa MMDA, hindi nagagamit ng mga siklista ang bike lanes sa kahabaan ng EDSA dahil sa dami ng mga motorsiklo na gumagamit ng mga itinalagang daanan.

Iginiit ng ahensiya na ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga motorsiklo at ang bicycle lane ay inilaan para sa mga siklista o nagbi-bisikleta at hindi para sa mga motorcycle riders.

Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na pinaplano nitong magtayo ng 470 kilometro pa ng mga protektadong bike lane at iba pang pedestrian sa buong bansa.

Samantala, nanawagan naman si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito para sa mandatoryong pag-aaral ng mga motorcycle riders at master plan para sa mas ligtas na mga kalsada sa gitna ng nakakaalarmang pagdami ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Top