-- Advertisements --
DAVAO CITY – Magsasagawa ngayong araw ng clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Mawab, Davao de Oro, matapos ang nangyaring mudslide kagabi.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Mawab, ilang bahagi ng highway ang natabunan ng putik at debris kaya nagpaalala ang ahensiya na magdoble ingat para maiwasan ang disgrasya.
Kung maaalala, isa ang Davao de Oro sa mga lugar sa Davao Region na nakaranas ng matinding pag-ulan bunsod ng easterlies.
Kabilang sa naapektuhan ng matinding baha ang Km.69 National Highway, Tuboran, Mawab, Davao de Oro.