-- Advertisements --

Mahigpit na binilinan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga drivers at operators na tanging mga pelikula at tv shows na may rated “G” at “PG” ang maaring ipalabas sa mga public utility vehicles (PUV).

Para matiyak na ito ay nasusunod ay nagsagawa ng inspection ang mga personnel ng MTRCB sa iba’t-ibang bus stations sa Metro Manila na babiyahe ngayong Semana Santa.

Ang nasabing kautusan ay nakasaad sa MTRCB Memorandum Circular na inilabas noon pang 2011.

Ang sinumang mahuli ay mahaharap sa multang P2,000 hanggang P5,000 at tatanggalan sila ng kanilang prankisa.