-- Advertisements --

JAKARTA – Nakapagtala muli ng panibagong pagsabog ang aktibong bulkan na Mount Merapi sa Indonesia, kung saan umabot nang hanggang 6,000-metro ang taas ng ibinuga nitong abo.

Batay sa ulat geological agency sa Indonesia, dalawang beses pumutok ang bulkan ngayong araw at tumagal ito ng pitong minuto.

Hindi naman naglabas ng alert status ang ahensya pero pinayuhan ang mga commercial flights na mag-ingat sa pagbiyahe malapit sa lugar ng bulkan.

Kinailangan din ilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa three-kilometer no-go zone ng Yogkarta City.

Sa ulat ng ilang local media, nakarinig daw ng malalakas na dagundong ang mga kalapit na mga bayan ng Sleman at Klaten kasabay ng pagsabog.

Noong Marso nang maiulat din ang pagbuga ng abo ng bulkan. Taong 2010 naman ang huling major eruption ng Mt. Merapi kung saan higit 300 katao ang naitalang namatay. Umabot naman sa 280,000 residente ang inilikas.

Bago nito, malakas din ang naging eruption ng bulkan noong 1994 kung saan 60 ang namatay. Pero pinakamalakas ang naitala noong 1930 kung saan 1,300 buhay ang nawal dahil sa pagsabog ng naturang bulkan.(AFP)