-- Advertisements --

Tinanggalan ng kaniyang titulo ang nagwagi sa beauty pageant sa Sri Lanka dahil sa alegasyon ng kurapsyon.

Si Pushpika de Silva ay naging headlines sa mga balita noong nakaraang taon matapos na agawin ng isang contestant ang korona nitong Mrs. Sri Lanka.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito na kaya siya nabigong manalo ng Mrs.
World Competition sa Las Vegas noong nakaraang buwan dahil sa negatibong impluwensiya ng mga judges.

Ngayon taon kasi ay napanalunan ng American Shaylyn Ford at sinalihan ng mga babaeng kasal na.

Ayon sa local organizer na tila sinira ni De Silva ang reputasyon ng Sri Lanka at pinagbawalan pa ito na gamitin ang titulo sa anumang promosyon.

Magugunitang inagaw ni Caroline Jurie ang titulo ni De Silva dahil umano sa alegasyon na ito ay hiwalay na at hindi legal na ikinasal.