-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong araw na magpapakalat ang Manila Police District (MPD) ng mga kapulisan sa Binondo, Maynila ilang araw bago ang pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year sa Enero 22.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola, na parehas din ang seguridad na ipapairal ng MPD noong Pista ng Itim na Nazareno ganun din sa Sto. Niño festival sa Tondo.

Ang nasabing mga kapulisan ay ipapakalat sa mga mataong lugar para maiwasan ang anumang krimen.
Pinaalalahanan din nito ang mamamayan na dadalo sa Chinese New Year na panatilihin ang pagsusuot ng facemask lalo sa mga mataong lugar dahil sa mayroon pa rin ang banta ng COVID-19.