-- Advertisements --
Tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos sa panel discussion na Moving Towards Nutrition Security ng World Economic Forum ang tungkol sa food security na isa sa pangunahing agenda ng pamahalaan tungo sa mithiing mas maunlad na Pilipinas sa susunod na dalawang dekada.
Inihayag ng Pangulo na nakatuon ang pamahalaan na pagbutihin ang sektor ng agrikultura kabilang na sa larangan ng research at development at epektibong distribusyon ng mga produktong pang-agrikultura.
Nagbigay din ng mungkahi si PBBM sa panel na gumamit ng mga climate-resilient technologies upang pataasin ang produksyon sa sektor ng pagsasaka at pangingisda.










