Nahaharap sa reklamong sexual assault ang Motown singer na si Smokey Robinson.
Dumulog kasi sa korte ng Los Angeles ang apat na hindi nagpakilalang babae para ireklamo ang 85-anyos na singer.
Ilan sa mga reklamo ay ang sexual battery, false imprisonment , negligence at gender violence.
Bukod pa dito ay mayroong reklamong paglabag na may kaugnayan sa trabaho, pasahod , overtime pay.
Itinuro din ang asawa ng singer na si Frances Robinson na siyang nagpapahirap sa mga trabahador din na nagrereklamo.
Si Robinson ay unang hitmaker ng Motown, kung saan pinasikat nila ang mga kanta gaya ng “Mary Well’s”, “My Guy” at maraming iba pa.
Isinilang bilang si William Robinson Jr mula sa Michigan kung saan nasa listahan rin ito ng Rock and Roll Hall of Fame at Songwriters Halls of Fame.