Patay ang 22-anyos na professional motorcycle rider na si Victor Steeman matapos ang pagsalpok nito sa isang championship race.
Ayon sa The Fédération Internationale de Motocyclisme , hindi na nakayanan ni Steeman ang mga tinamong sugat kaya ito ay pumanaw na sa pagamutan.
Naganap ang aksidente sa FIM Supersport 300 World Championship’s Race 1 sa Portugal.
Nagsimula ang career nito sa World Supersport 300 full-time noong 2019 at nagtala ng apat na panalo, limang podium at tatlong pole position ngayong season.
Nagtala rin ang Dutch rider sa kasaysayan dahil sa pagkakaroon ng most pole position sa World Supersport 300 class sa Circuit de Barcelona-Catalunya.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga nakasama nito sa karera matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Steeman.