NAGA CITY- Patay ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang backrider nito matapos na mawalan nang kontrol at mabangga sa konkretong poste sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Carlos Janoplo Mission, 52-anyos, habang ang sugatan naman na si Glenn Montoya Balignasay, 39-anyos, parehong residente ng Sitio Tagumpay, Brgy. Nayon 1, Antipolo, Rizal.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na sinubukan umano ng motorsiklo na pinagmamaneho ni Mission na mag overtake sa isang sasakyan na nasa unahan ng mga ito nang mawalan ng kontrol na nagin dahilan upang mabangga ito sa isang concrete post.
Dahil sa lakas ng impact nagtamo nang sugat sa kanyang ulo at katawan si Mission na nagin dahilan nang agaran nitong kamatayan habang ang backrider naman nito ang agad na isinugod sa ospital para sa lunas.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.