Itatalaga ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang kapwa niya presidential candidate na si Senator Panfilo Lacson bilang corruption czar sakali man siyang palarin sa halalan sa Mayo 2022.
Sinabi ito ni Moreno nang matanong sa kanyang pangangampanya kung sino sa mga kapwa niya presidential candidates ang posibleng maging bahagi ng kanyang administrasyon kung sakali.
Nakitaan ni Domagoso si Lacson nang mga qualities para masolusyunan ang problema sa korpasyon sa bansa at para madisiplina ang gobyerno.
Pero lahat ng ito ay nakalutang pa lamang aniya at hintayin na lamang ang kanyang magiging pinal na desisyon kung siya ay manalo bilang pangulo sa nalalapit na halalan.
Gayunman, kung palarin nga rin siya, sinabi ni Domagoso na nangangako sila ng kanyang ka-tandem na si Dr. Willie Ong na ilalaan nila ang dalawang taon ng kanilang termino para malabanan ang korapsyon sa pamamagitan ng mga programa para sa ikakaangat ng buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.