Siniguro ng Food and Drug Administration (FDA) ang mahigpit na pag-inspeksyon at monitoring sa mga cold chain storage ng mga botika na magbebenta ng Pfizer Bivalent COVID-19 vaccines.
Ayon kay Jesis Cirunay, National Director ng FDA, ito ay upang matiyak na maayos ang kondisyon ng mga nasabing bakuna na ibibigay o ibebenta na sa publiko.
Ayon sa FDA, titiyakin din nilang ang mga botika ay may akmang cold storage na nakakayang ma-mentene ang sapat na temperatura para pag-imbakan ng mga bakuna.
Maliban dito, sisiguraduhin din nilang ang mga botika ay naibebenta lamang sa mismong outlet, at hindi nakakalabas sa online platform
Nais din ng FDA na masigurong sa mga botika o ospital lamang maiturok ang bakuna at hindi ito papayagang maiuwi pa sa mga kabahayan, dahil ipagbabawal pa rin self-administration.
Bagaman pinayagan nang maibenta ang mga bivalent vaccine sa mga botika, umaasa ang FDA na hindi ito makakaapekto sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.