-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng Korean group na Momoland na si JooE.
Ayon sa kampo nito nagkatrangkaso ito kaya minabuti niyang magpa-PCR testing at lumabas ang resulta na positibo ito.
Siya fully vaccinated na at mild symptoms lamang ang kaniyang naranasan.
Dahil dito ay kinansela na niya ang mga nakatakdang aktibidad niya.
Magugunitang pinasikat ng grupo ang mga kanta gaya ng “Bboom Bboom” at “BAAM”.