-- Advertisements --
Abala ngayon ang singer na si Moira dela Torre sa paghahanda niya sa mga concerts niya sa ibang bansa.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng mga petsa at lugar kung saan gaganapin ang world tour.
Magsisimula ito sa Kuala Lumpur, Malaysia sa darating na Abril 20.
Bukod sa Malaysia ay may ilang mga nakatakdang show din ito sa US at Canada.
Dagdag pa nito na may mga ilang petsa at lugar pa silang inaayos para sa nasabing mga show.
Isa ang singer na mayroong 3.5 milyon monthly listeners ng Spotify.
Ilan sa mga pinasikat na kanta nito ay ang “Malaya”, “Paubaya”, “Tagpuan” at maraming iba pa.