-- Advertisements --

Magpapatupad ang PNP ng modified work arrangement tulad ng work from home sa mga Non-Uniformed Personnel sa National Headquarters sa Camp Crame.


Ito ay sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP na umaabot na sa 12,631 kung saan 1,105 ang aktibong kaso, pinakamataas nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Nasa 121 bagong Covid-19 cases ang naitala habang nananatili sa 34 ang nasawi.

Inaatasan na ni Eleazar ang lahat ng pinuno ng mga tanggapan sa National Headquarters na magsagawa ng assessment para sa modified work arrangement.

Ipinauubaya na aniya nila sa regional offices tulad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung magpapatupad ng kahalintulad na hakbang.

Samantala, nagpapatuloy naman ang assessment sa alternative work arrangement ng mga uniformed personnel upang mapangalagaan din ang kanilang kalusugan laban sa virus.