-- Advertisements --

Humingi ng emergency use authorization (EUA) ang US biotech na Moderna para magamit sa mga batang edad anim na buwan hanggang anim na taon ang kanilang COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Moderna CEO Stephane Bancel, malaki ang kanilang paniniwala na ang kanilang bakuna ay kayang protektahan ang mga bata laban sa SARS-CoV-2.

Magugustuhan aniya ito ng mga magulang at caregiver ng mga bata dahil sa proteksyon sa kanila.

Sa kasalukuyan kasi ay tanging mga batang edad anim ang nasa age group na may access sa COVID-19 vaccine sa US at ibang mga bansa.