-- Advertisements --

Binigyan na ng emergency authorisation ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng Moderna.

Ayon sa US FDA, mayroon na itong 94% na epektibo ang nasabing bakuna.

Dahil dito ay maaaring maging pangalawang bakuna na ang Moderna na papayagan ng US.

Ang 94.1% efficiacy ng nasabing bakuna ay base na rin sa isinagawang trial sa nasa 30,000 katao.

Normal lamang ang nasabing side effects na mararamdaman gaya ng lagnat, sakit sa ulo, muscle at joint pains.

Sakaling tuluyan ng maaprubahan ng team of experts ang bakuna ay sisimulan na nila ang pamamahagi sa loob ng 24 na oras.