-- Advertisements --
image 293

Posibleng papalo sa 2.7% ang paglago ng mobile services sa Pilipinas, hanggang sa 2028.

Ito ay batay sa pag-aaral na ginawa ng GlobalData na isang international data and analytics firm.

Ayon sa mga eksperto, mula sa projected growth ngayong 2023 na $3.8billion, maaaring hanggang sa $4.3billion ang aabutin nito sa taong 2028.

Kabilang sa mga nakikitang makaka-apekto dito ay ang posibleng pagbuti ng mobile data service, kung saan inaasahang magiging daan upang tumaas din ang mobile data service revenue sa bansa.

Nakikita ng grupo ng mga eksperto na ang tataas din kalidad ng internet connectivity sa bansa, kabilang na dito ang mas maraming gagamit sa 5G services.

Isa rin sa mga nakikita ng grupo na dahilan dito ay ang pagtaas ng data usage mula sa kasalukuyang average na 6.6 gigabytes kada buwan patungong 27.1 gigabytes kada buwan sa 2028.

Ito ay dahil na rin sa tumataas na online video quality sa mga social media contents na patuloy na pinapanood ng mga internet users.

Sa kabila nito, inaasahan namang ang 4G pa rin ang pangunahing teknolohiya na ginagamit ng mga Pilipino, pagsapit ng 2028