-- Advertisements --
Inanunsiyong P-pop group na MNL48 na opisyal na silang magkakawatak matapos ang walong taon bilang grupo.
Kinumpirma ng kanilang agency na P.O.S ang pag-disband nila at tatapusin lamang ang kanilang promotional activities sa katapusan ng buwan.
Dagdag pa nila na hindi naging madali ang desisyon dahil ito ay masusing pinag-usapan.
Ilan sa mga dahilan ng pag-disband nila ay ang management structure at operating environment.
Sumikat ang grupo sa kanilang kantang “Pag-ibig Fortune Cookie”, “Ikaw ang Melody” at maraming iba pa.











