-- Advertisements --
Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa National Capital Region ngayong araw hanggang bukas August 24.
Ito ay matapos na isuspendi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga klase at trabaho sa gobyerno sa rehiyon at iba pang probinsiya dahil sa malakas na ulan dala ng torpical storm Florita na nagdulot na ng pagbaha sa ilang lugar sa metropolis.
Sa Metro Manila, namonitor ng MMDA ang pagbaha sa Quezon City at iba pang lugar sa rehiyon.
Una rito, ilang lcal government units sa Metro Manila at ibang pribinsya na ang nagdeklara ng suspensiyon ng kalse nitong Lunes dahil sa banta dala ng masungit na panahon.