-- Advertisements --

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtayo ng mas maraming istasyon para sa Pasig River Ferry Service (PRFS), sinabi ng isang opisyal.

Ayon kay PRFS central administrative officer Irene Navera, muling itatayo ang isang istasyon sa Intramuros matapos gibain ang istasyon ng Plaza Mexico noong 2018 upang bigyang-daan ang tulay na Binondo-Intramuros na pinondohan ng China.

Dagdag pa nito, dalawa pang istasyon – Bridgetowne sa Pasig City at isa pa sa Marikina City – ang itatayo rin.

Ayon pa kay Navera, ang mga bagong istasyon sa Pasig at Marikina ay gagawin din sa sandaling mapaglayagan na ang Marikina River pagkatapos ng dredging activities sa ilog.