-- Advertisements --
MMDA

Pinaalalahanan muli ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang mga truper na mag-ingat sa mga kalsada, kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ginawa ng MMDA ang paalala kasunod ng patuloy na naitatalang aksidente sa mga kalsada.

Kaninang umaga kasi ay muling naitala ng MMDA ang tatlong mallaaking aksidente sa ilang bahagi ng EDSA, at isa sa mga itinuturo ding dahilan ay ang madulas na kalsadang dulot ng mga pag-ulan.

Ang mga naturang aksidente ay kinasasangkutan ng maraming behikulo.

Paalala ng MMDA, kailangan ng mga tsuper na maging alerto at mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na at inaasahan din ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga komyuter at biyahero sa Metro Manila, kasunod na rin ng holliday rush.