-- Advertisements --


Patuloy na naghahanda ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paghahanda “surge” nang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, ang mga biniling bakuna ng iba’t obang local government units sa National Capital Region at ng private sector ang mga inaasahang darating sa mga susunod na buwan.

Iginiit ni Abalos na matinding logistics ang kakailanganin nila dahil dito.

Nauna nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang mga local government units sa Metro Manila dahil sa bumababang supply ng bakuna sa kanilang lugar.

Subalit sinabi ni Abalos na magpapatuloy pa rin ang pagbabakuna lalo pa at kahapon lang ay may dumating isa pang batch ng Sinovac vaccines sa Manila.

Sa mga susunod na buwan, inaasahang aabot sa 13 million doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng iba’t ibang brands ang inaasahang darating sa Pilipinas.