-- Advertisements --
Isasagawa ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang walk-through sa mga pagamutan sa National Capital Region.
Ang hakbang ay para makita ang kahandaan ng mga pagamutan sa pagtugon sa mga mapuputukan sa pagsalubong ng bagong taon.
Sinabi ni MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr. na kasama nila sa walk-through ang ilang opisyal ng Department of Health.
Magugunitang mahigpit na nakipag-ugnayan ang MMDA sa mga iba’t-ibang local government unit ng Metro Manila para maglagay sila ng designated fireworks display.