Pagtutuunan ng Metro Manila Development Authority ang bagong “strike force” para tutukan ang mga illegally-parked vehicles sa at iba pang kalsada sa Metro Manila.
Ide-deploy ng MMDA grupo mula sa motorcycle-riding traffic enforces na tututok sa mga lugar kung saan naireport na may illegal parking.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, magiging miyembro ng naturang strike force ang ilang grupo mula sa motorcycle-riding traffic enforcers na ide-deploy sa mga lugar kung saan naireport na may illegal parking.
Ang bagong buong strike force ay magkakaroon ng 50 enforcer na nakasakay sa motorsiklo. Ang bawat unit ay hahatiin sa 10 grupo na may tig-limang motorsiklo.
Kabilang aniya sa mga target areas ng strike force ay ang mga lugar kung saan dati nang nagsagawa ng operasyon ang ahensiya.
Pinaaalahanan naman ng ahensya ang publiko na-report ang mga lugar na kaliwa’t kanan ang illegal parking upang maaksyunan agad ng strike force.