-- Advertisements --
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko laban sa isang online page na gumagamit ng kanilang logo.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng MMDA na ang naturang online account ay hindi konektado sa kanilang ahensya .
Wala rin kinalaman ang kanilang tanggapan sa anumang post , mensahe , transaksyon o anumang komunikasyon mula sa kung sino man ang nasa likod nito.
Pinayuhan rin nito ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga lehitimong social media page ng MMDA.
Tiyakin lamang na mayroon itong blue check bilang katibayan na ito at tunay at nag-iisang account ng ahensya.
Maaari aniyang tumawag sa MMDA Hotline 136 para magpaabot ng kanilang reklamo.