-- Advertisements --
Magsasagawa muna ng karagadagang pag-aaral ang Metro Manila Council (MMC) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa implementasyo ng bagong number coding scheme sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA chairperson Romando na kapag natapos na ang ginawa nilang pag-aaral ay agad silang magsasagawa ng pagpupulong.
Mayroong suhesyon na pagpaliban ng implementasyon ng bagong number coding scheme hanggang sa pag-upo ng bagong administrasyon.
Sakaling mayroon aniyang maipasang bagong scheme ay dapat na ito ay magkaroon ng pag-aaral kada tatlong buwan.









