-- Advertisements --
Hindi pinalampas ng Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa ang komento ng ilan patungkol sa pagiging retokada nito.
Sa ibinahaging post ng model, talagang nakipagsagutan ito at pinatulan ang comment sa kanyang social media account na nagpabago raw umano siya sa kanyang katawan.
Matatandaan na noong 2011, nakaranas ng pambu-bully ang beauty queen dahil sa veneers at bewang na sobrang liit.
Aniya, pinilit pa umano siyang tanggalin ang kanyang ribs, at dahil dito napilitan siyang palakihin na lang ang kanyang bewang.
Dagdag niya, sana raw ay magbago na ang mindset ng pilipino dahil mag ba-bagong taon na rin. (report from Bombo Chill Imprido)