-- Advertisements --

Tuloy na umano bukas ang proklamasyon ng mga nanalong senador sa nakalipas na halalan.

Gayunman ayon sa Comelec, hindi muna bibigyan ng ranking ang mga mga nanalong senador habang hindi pa natatapos ang isyu sa Lanao del Sur.

Una nang iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) na umabot na sa 172 mula sa 173 Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga local at overseas voting ang kanilang nabilang.

Ayon kay Commissioner George Garcia ang tanging natitira na COC ay mula sa Lanao del Sur, kung saan 47 clustered precincts sa 14 villages sa Butig, Bindayan, at Tubaran ang magkakaroon ng special election.

Nasa 12 villages sa Tubaran ay itinakda na ang special elections sa May 24 habang hindi pa nagbigay ng petsa ang Comelec para naman sa Butig at Bindayan.

Samantala, nilinaw din naman ni Director John Rex Laudiangco ng Comelec Law Department at acting spokesperson na ilan lamang sa mga winning partylist groups ang kanilang mapoproklama sa Huwebes, May 19, doon sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Aminado ang Comelec na hindi lahat ng 63 mga upuan o partylist ang mapoproklama at limitado lamang.

Sinasabing komplikado rin kasi ang pagdetermina sa mga grupo na mapapabilang sa top 63 seats dahil merong computation na dapat sundin na naunang itinakda ng Supreme Court noong taong 2009.

Ang mga winning partylist groups ay dapat meron lamang dalawang kinatawan sa gagawing proklamasyon.

Paalala rin ng Comelec para doon naman sa mga ipoproklamang mga senador, dapat hanggang limang kasama lamang ang dapat na makasama sa venue.

Senatorial election partial ang official results

1) ROBIN PADILLA – 26,491,176
2) LOREN LEGARDA – 24,180,823
3) RAFFY TULFO – 23,342,613
4) SHERWIN GATCHALIAN – 20,545,327
5) FRANCIS ESCUDERO – 20,239,033
6) MARK VILLAR – 19,400,167
7) ALAN PETER CAYETANO – 19,260,370
8) MIGUEL ZUBIRI – 18,661,089
9) JOEL VILLANUEVA – 18,438,664
10 ) JV EJERCITO – 15,801,915
11) RISA HONTIVEROS – 15,384,530
12) JINGGOY ESTRADA – 15,069,329

Partylist partial and official results

1) ACT-CIS – 2,102,828
2) 1-RIDER PARTYLIST – 999,608
3) TINGOG – 884,595
4) 4PS – 834,345
5) AKO BICOL – 815,849
6) SAGIP – 774,075
7) ANG PROBINSIYANO – 713,027
8) USWAG ILONGGO – 688,877
9) TUTOK TO WIN – 684,274
10) CIBAC – 631,813
11) SENIOR CITIZENS PARTYLIST – 612,477
12) DUTERTE YOUTH – 598,136
13) AGIMAT – 585,722
14) KABATAAN – 535,982
15) MARINO – 523,567
16) AKO BISAYA – 512,558
17) PROBINSYANO AKO – 470,956
18) ANGAT – 459,020
19) LPGMA – 453,360
20) API – 451,172