CAUAYAN CITY – Nadakip nang pinagasanib na pwersa ng Diffun Police Station sa Quirino at PRO3 CIDG ang lalaking kabilang sa notorious criminal gang sa Region 3.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Captain Reynold Gonzalez, hepe ng Diffun Police Station, kinilala ang akusado na si Elvis Emperador, 40, may-asawa, karpintero, residente ng Brgy. Gonzalo, San Quintin, Pangasinan at kasapi nang tinaguriang Nabyayay Puguon group sa lalawigan ng Quirino
Inaaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Moises Pardo ng RTC Branch 32, Cabarroguis, Quirino sa kasong robbery na may inirekomendang piyansang P100,000.
Nakuha rin sa pag-iingat ng akusado ang isang 9mm pistol na may 7 bala kaya mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms).
Ayon sa hepe ng pulisya, natuklasang aktibong miyembro ng notorious criminal gang na kumikilos sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan at La Union ang akusado bago madakip
Naging matunog ang pangalan ni Emperador sa lalawigan ng Quirino dahil sa pagiging miyembro ng Nabyayay/ Puguon group noong taong 2007.
Nagtago ang akusado sa lalawigan ng Nueva Ecija matapos masangkot sa isang robbery.
Ayon kay Capt. Gonzales, ang akusado ay sangkot sa maraming krimen tulad ng robbery, kabilang din siya sa mga grupong gun for hire at hitman ng nasabing grupo.
Ipinasakamay na pulisya sa court of origin ang akusado.