(Update) Isinailalim na sa custodial debriefing ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah na boluntaryong sumuko sa militar kahapon.

Kinilala ni Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner ang sumukong terorista na si Hilal Pamaloy Biston a.k.a Pakistan, residente ng LDSPPO compound, Barangay Langcap, Marawi City.

Isinuko rin ni Biston ang kaniyang armas na M16 A1 rifle at isang short aluminum magazine.

Hinimok naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega ang iba pang miyembro ng teroristang grupo na magbalik loob sa gobyerno para makapamuhay ng payapa.

“We encourage the remaining DI/MG members, who are still in doubt, now is the time for you to return to the mainstream of society,” wika ni Dela Vega.

Dagdag pa ni Dela Vega, angTask Force Balik Loob ay may inihandang reintegration packages para sa lahat ng mga surrenderors.