Posible umanong nagtatayo na ang North Korea ng mga pasilidad na gagamitin para bumuo ng ballistic missiles sa Pyongyang.

Ibinahagi ng Center for Strategic and International Studies ang resulta mula sa isang analysis kung saan makikita sa isang satellite image ang tatlong construction site malapit sa Pyongyang International Airport.

Ang pinakamalaking gusali ay may lawak na 120 meters at lalim na 40 meters. Lahat ng ito ay mayroong bay doors na ginawa para makapasok ang malalaking sasakyan.

Ayon pa sa ahensya, isa sa mga gusali ay kaya raw mag-accomodate ng intercontinental ballistic missile.

Hinala pa ng Amerika na ang binubuo ng North Korea ay rail terminal upang magkaroon ng asscess sa underground section.

Tinatayang ngayong taon o sa 2021 ay magiging operational na ito.