-- Advertisements --
Itinuturing ni US Defense Secretary Lloyd Austin na ang kanilang pag-atake sa kuta ng mga Iranian militant groups sa Iraq at Syria ay simula lamang.
Sinabi nito na iniutos mismo ni US President Joe Biden ang nasabing atake laban sa Islamic Revolutionary Guard Corps na siyang nasa likod ng pag-atake sa mga US at Coalition forces.
Paglilinaw nito na hindi sila nagsisimula ng anumang kaguluhan sa Middle East.
Muling iginiit nito na gagawin nila ang lahat ng mga makakaya para ipagtanggol ang US, ang kanilang mga puwersa at kanilang interest.