Inilipat sa Hulyo 25 ang finals ng Miss World Philippine 2021 pageant mula sa dating Hulyo 11.
Ayon sa organizer nito na ayaw nilang sumabay sa Binibining Pilipinas pageant.
Una kasing inanunsiyo ng Binibining Pilipinas na gagawin din nila ang coronation night sa Hulyo 11.
Sinabi ni Arnold Vergafria ang regional director ng Miss World Philippines at franchise holder ng nasabing pageant na dahi sa bagong petsa ay magkakaroon pa sila ng mas maraming oras para makapaghanda.
Nauna ng kinansela ng Binibining Pilipinas at Miss World pageant ang kanilang programa noong 2020 dahil sa kasagsagan noon ng COVID-19 pandemic.
Pipiliin ng Bb. Pilipinas ang magiging representative ng Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental at Miss Globe habang ang Miss World Philippines ay siyang pipili ng magiging Miss World, Miss Supranational, Reina Hispanoamericana, Miss Eco International, Miss Eco Teen International, Miss Multinational at Miss Philippines Tourism.