-- Advertisements --

Sinuspendi ng Miss Universe Organization si Miss USA President Crystle Stewart at kumpanya nitong Miss Brand.

Ito ay dahil sa alegasyo ng isang contestant ng 2022 Miss USA pageant na nagkaroon ng pandaraya.

Ayon sa Miss Universe Organization na matapos na matanggap ang reklamo ay agad na silang nagsagawa ng imbestigasyon.

Matapos ang kasi ang pageant noong Oktubre 3 ay maraming mga contestant ng Miss USA ang nagparating sa kanilang mga social media na nagkaroon umano ng favoritism.

Inakusahan nila ang nanalo na si Miss USA 2022 R’Bonney Gabriel ng favoritism mula sa mga judges.