-- Advertisements --
RACHEL PETERS GOV

Masayang ibinunyag ni Miss Universe Philippine 2017 Rachel Peters at kanyang asawa na si Migz Villafuerte na lalaki ang kanilang pangalawang magiging anak.

Pinost ni Peters ang nakakaantig na gender reveal moment sa kanyang isang social media account.

Kung matatandaan, ikinasal sina Rachel at Migz noong taong 2021 at nagkaroon din sila ng unang anak ng parehong taon.

Una na rito, ang mag-asawa ay muling nagpakasal sa Bali, Indonesia noong taong 2022, at kamakailang inihayag na sila ay magkakaroon na ng kanilang pangalawang anak.