-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas makabubuti umanong huwag na lang umuwi si 2020 Myanmar Miss Universe Candidate Thuzar Wint Lwin o Candy sa kanilang bansa dahil malaki ang posibilidad na haharangin ito ng mga sa pagbalik nito sa Myanmar.

Ito ang ipinayo ni Tun Min, Bombo International Correspondent sa bansang Myanmar sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Min, nag hihintay na kay Candy ang Warrant of Arrest laban sa kanya sa Myanmar at nakatakda rin humarap sa prosecution sa oras na aapak itong muli sa Myanmar

Dagdag pa nito dahil sa patuloy na malawakang protesta sa Myanmar, malaki rin ang posibilidad na manganib ang buhay ni Candy sa kamay ng mga military rulers dahil mga mararahas umano ang mga ito.

Kung maaalala, patagong nagtungo sa US ang Myanmar Beauty Queen para e-representa ang kaniyang bansa sa 69th Miss Universe pageant at nasali pa sa Top 21 at nakakuha ng winning Best National Costume.

Sa prestihiyosong pageant inilahad ni Candy ang nangyayaring Coup de etat sa kanilang bansa na ikinagalit naman ng military rulers.

Isang linggo pagkatapos ng Miss Universe 2020 pageant, Thuzar Wint Lwin, a.k.a. Candy Thuzar ay mainit na tinanggap ng Chin community sa Indianapolis.