Dumating na sa Los Angeles ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe na si Gazini Ganados.
Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model, nasanay siyang mamuhay sa isla sa Cebu at Zamboanga pero enjoy din naman sa Los Angeles dahil mainit siyang tinanggap ng mga kababayang Pinoy doon.
Bukas pa lilipad si Ganados sa Atlanta, Georgia, na siyang mismong venue ng 68th Miss Universe sa darating na December 9 (Philippine time).
“Forever an island girl, but California is always a good idea 🌴☀️ Good afternoon, Philippines! 🇵🇭 Enjoying Los Angeles before flying to Atlanta tomorrow and I feel like I’m home because I was warmly welcomed by so many Filipinos here!” caption nito habang nasa Los Angeles.
Kasabay nito ay patuloy na humihingi ng dasal si Gazini para sa tatangkain pagsungkit sa panglimang Miss Universe crown ng Pilipinas na kasalukuyang hawak ng kapwa half Pinay na si Catriona Magnayon Gray.
“I can’t thank everyone enough and I am continuously asking for your prayers and support,” ani Ganados.
Samantala, ngayon pa lamang ay isinapubliko na ng ilang Miss Universe candidates ang kani-kanilang national costume para sa preliminary competition sa darating na December 6.
Kabilang sa mga agaw-pansin ay ang sa Miss Malaysia kung saan irarampa nito ang 28kg Peranakan-art piece na karga ang tray ng tanyag sa kanila na rice balls dessert.
Pabonggahan na rin ang Miss Australia, Cambodia, Great Britain, Indonesia, Japan, Korea, Mongolia, Netherlands, Puerto Rico, South Africa, Thailand, Ukraine, at Vietnam.
Sa panig ng Miss Philippines, una na niyang inilarawan bilang “gorgeous” at tila pinakabonggang irarampa ng bansa ang kanyang magiging national costume may “touch” ng ating pambansang ibon.
Ipinagmalaki na rin nito na aabangan sa big day ang kanyang “phoenix walk” na aniya’y parang lumilipad ang pakiramdam habang nasa Miss Universe stage.