ILOILO CITY – Tiniyak ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na ibibigay ang kanyang “best” bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe pageant.
Sa pagbisita sa flagship station ng Bombo Radyo Philippines, ibinahagi ng 24-year-old half Indian beauty na nakausap niya sina Miss World 2013 Megan Young at Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na nagbigay sa kanya ng ilang tips sa pageant.
Ayon sa 5’7 Ilongga beauty, magsisilbing inspirasyon niya ang nakuhang suporta mula mismo sa mga kapwa beauty queen sa hangaring maiuwi ang pang-limang korona ng Miss Universe.
Kung maaalala, si Young ang first ever Pinay na nakapagbigay ng unang Miss World crown sa Pilipinas.
Habang si Wurztbach ang tinanghal bilang pangatlong Pinay Miss Universe matapos ang mahabang panahon.
Ang Bombo Radyo ay nag-iisang media station sa Iloilo na binisita ni Rabiya sa kanyang homecoming sa lungsod.
Una nang nangako si Rabiya na bibisita siya sa Bombo Radyo Iloilo sa kanyang pag-uwi matapos kinoronahang Miss Universe Philippines na idinaos sa Baguio City.
Game pang nagtambol ng drum si Rabiya kasabay ng pagsabi ng “Basta Radyo Bombo!”