-- Advertisements --

Bagama’t hindi top prize bilang Miss Philippines-Earth (MPE), proud ang Mandaluyong beauty na si Gianna Llanes sa nasungkit na Miss Philippines-Water title ngayong taon.

MPE Water from Manda

Ayon kay Llanes, dalawang taon na ang nakakaraan pero naalala niya muli ang kanyang yumaong lolo na kanyang No. 1 fan noong pangarap pa lamang ang mundo ng beauty pageant.

Kuwento ng Miss Philippines-Water, kahit natatalo sa mga sinasalihang pageant ay ibinibida pa rin siya nito sa mga kakilala.

Kasabay nito, ibinunyag ni Gianna na nag-abiso na ito sa kanyang pamilya at mentor sa kagustuhang umatras bago pa man ang first ever virtual coronation ng MPE nitong weekend.

MPE Water from Manda 3

Pinaghinaan aniya siya ng loob dahil tila hindi napapansin kung saan wala siya sa “hot picks” at wala ring mga special award pero piniling gawing inspirasyon ang kanyang lolo.

Kaya naman mensahe nito sa tulad daw niya na “underdog,” huwag magpaapekto sa mga kritiko, bagkus ay magtiwala na kayang mag-stand out.

Base sa kanyang profile sa Facebook, si Llanes ay TV presenter, news at courtside reporter, cycling instructor, disk at video jockey.