-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis ngayon ng pulisya ang hindi pa kilala na mga armadong salarin na umano’y responsable pagbaril-patay ng tatlong mga sibilyan na magde-deliver lang sana ng repo motorcycle units mula Butuan City papunta sa Cagayan de Oro City.

Kinompirma ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na ang ‘road rage’ o mainitan na hindi pagkakaunawaan ng mga motorista ang nag-udyok na humantong sa pambabaril ang gigitan ng dalawang uri ng sasakyan sa Purok Malimas,Brgy Anakan,Gingoog City,Misamis Orientanl.

Kinilala ni Navarro ang mga nasawi na sina Abdul Rajac Alim;Omar Ansid ug Amil Mama,pawang legal ang mga edad at nagmula sa bayan
ng Shariff Aguak,Maguindanao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon,narinig ng ilang testigo sa lugar na galit na kinompronta ng mga suspek ang biktima na sakay sa 6 wheeler truck at agad sumunod ang magkasunod na putok ng kalibre 45 na baril.

Isinantabi na ng Gingoog City Police Station ang mga haka-haka na tinambangan o kaya’y hinoldap ng mga suspek ang mga biktima dahil buo ang kanilang personal belongings at ibang mahalagang kagamitan sa kasagsagan ng pangyayari kahapon ng madaling araw.