-- Advertisements --

(Update) CAGAYA DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng mga kasalukuyang upo na local govt officials na ang quarry operations ang pangunahing dahilan sa malawakang pagbaha na tumama sa Misamis Occidental.

Ito ang ginawa na paglilinaw ni Misamis Occidental 2nd District Rep. Sancho Oaminal patungkol sa mga akusasyon ng social media netizens na kaya malawak ang pinsala ng mga pagbaha ay dahil sa talamak na illegal quarry operations sa probinsya.

Sinabi ni Oaminal na matagal na umanong problema ang illegal quarrying na napabayaan ng dating mga administrasyon.

Iginiit nito na hindi naman masama ang pagku-kuwari kung naayon sa mga regulasyon na inilatag ng gobyerno.

Magugunitang mayroong nagsasabi na ang quarry operations ng ilang mga malalaking angkan o politiko sa probinsya ang dahilan kung bakit binaha ng husto ang libu-libong mga pamilya simula sa mismong araw ng Kapaskuhan ng bansa.

Napag-alaman na sa halos 20 katao na nasawi sa Northern Mindanao dahil sa pagbaha at landslides ay karamihan sa mga ito ay nagmula sa Misamis Occidental cities and municipalities.