CAGAYAN DE ORO CITY – Pinakalma lang ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal ang kanilang kababayan kahit nayanig umano ang pangkalahatang seguridad ng buong probinsya.
Kaugnay kasi ito sa umano’y pagka-ambush sa convoy ng gobernador sa pamamagitan ng improvised explosive device (IED) explosion habang tumawid sa kahabaan ng Suman House sa bayan ng Clarin pauwi sa kanilang bahay sa Ozamiz City kagabi.
Naglabas agad ng self-video message si Oaminal pagkatapos nalagpasan ang umano’y nagtangka sa kanyang buhay upang tiyakin na ligtas ito at pinakikilos na ang pulisya para tugisin ang umano’y hindi pa kilala na mga salarin na tumambang sa kanyang convoy.
Batay sa salaysay ng gobernador na ligtas silang lahat at nagtamo lang ng kauting danyos mula sa umano’y IED splinters ang dalawa sa car escorts nito.
Kung maalala,bago ang May 2022 presidential elections tinamaan ng sniper bullet si late Lopez Jaena town Mayor Michael Gutierrez habang umano’y tina-target si Oaminal na nagsagawa ng December Christmas party sa syudad ng Tangub,Misamis Occidental.